After three weeks of waiting, nasentensyehan na rin sa wakas ang unang MS ko. Ang bad news, return siya. Ang good news, pwede ko i-revise if I want. Siyempre, I want. At ang best news? Hindi ako nasabihan na wala akong pag-asang maging writer. Mas nakakatakot at nakakadepress 'yun kaysa sa return at revision.
May points for revision naman na binigay 'yung editor kaya may idea na ako ng konti kung ano ang dapat ibahin, tanggalin, at idagdag. Therefore, balik na naman ako sa pakikipag-aningan kina hero at heroine.
Oist, kayong dalawa. Tulungan niyo akong mag-isip.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento