Biyernes, Agosto 10, 2012

Letter to a Plagiarist



To Whom It May Concern:

Bato-bato sa langit ang tamaan sana ay magkabukol. 'Yung malaking-malaki para makita at makilala ka at nang mabato uli kita.


Gusto mong maging writer. Maganda 'yan. Ikinakatuwa ko na may pangarap ka. Mas ikakatuwa ko kung may gagawin ka para maabot ang pangarap mong 'yan. Mas ikakatuwa ko rin kung may ginagawa ka na ngayon para maabot ang pangarap mo na 'yan. Natupad mo na ba ang pangarap mong maging writer? Kung oo, congratulations!


Gusto mong maging writer. Maganda 'yan. Ikinakatuwa ko na may pangarap ka. Mas ikakatuwa ko kung may gagawin ka para maabot ang pangarap mong 'yan. Mas ikakatuwa ko rin kung may ginagawa ka na ngayon para maabot ang pangarap mo na 'yan. Pero kung ang ginagawa mo ay kopyahin ang gawa ng ibang writer, palitan ang pangalan ng characters at i-type word for word ang bawat salita saka ito ipopost online, gumising ka! HINDI KA WRITER. Isa kang MAGNANAKAW! Naka-all caps yan dahil sinisigawan kita. Baka kasi hindi ka naglinis ng tutuli sa tenga at di mo narinig. Uulitin ko na rin para sure, MAGNANAKAW KA!


Ano ang ikinaiba mo sa magnanakaw ng cellphone? Pinalitan lang ang casing at sim card and voila! may cellphone na sila. Ganyan din ang ginagawa mo. Pinalitan mo lang ang pangalan ng characters, ng lugar o kung anuman ang naisip mong palitan at ipinagsigawan mo nang sa'yo. Maaring may magoyo ka sa pinaggagawa mo na 'yan. Ay mali, may nagogoyo ka nga sa pinaggagawa mong 'yan. Ang sarili mo. Dahil alam mo sa kaibuturan ng puso mo, ninakaw mo lang 'yan. Ang tanging effort na ginawa mo ay i-type ang mga kwentong ninakaw mo sa Wattpad o kung saan ka man nagpopost ng mga "works" mo. And I personally think there is something wrong with your values kung nagagawa mo pang maging proud sa ginagawa mo. 


Gusto mo maging writer. Handa ka na ba maghirap? Maiyak sa frustration dahil feeling mo ang pangit ng ginagawa mo? Magka-nosebleed dahil hindi mo na alam ang susunod na eksena o dialogue? Magkaroon ng riot ang brain cells dahil pinipilit mo pa rin magsulat kahit masakit na sa ulo ang mag-isip? Maranasan makipagtitigan sa MS habang iniisip mo kung saan ka nagkamali kaya rejected ang manuscript mo? Kung ayaw mo ng ganitong karanasan, 'wag mo na pangarapin maging writer dahil kasama ang mga 'yan sa buhay ng isang writer. Pre-reguisite sa pagiging writer ang pagiging hard worker. Kung hindi uso sa'yo ang hard work, 'wag mo pangarapin maging writer. At uulitin ko, hindi considered na hard work ang pagreretype mo sa kwento word for word. 


Ang pagiging writer ay hindi tulad ng instant noodles. Walang instant sa pagiging manunulat. Minsan inaabot ng ilang araw, linggo, buwan o taon bago makatapos ng isang manuscript na papasa sa lasa ng editor, ng mga tao, at sa  panlasa mismo ng writer. 


So ano ang sinasabi ko? Hindi madali ang maging writer. Hindi madali ang umire ng isang nobela. Sana iginalang mo ang paghihirap na dinaanan nila para matapos ang mga nobela na inaangkin mong iyo. Sana iginalang mo sila. And no, hindi ko matatanggap an excuse na hindi mo alam na plagiarism na pala ang ginagawa mo. Kaya nga existing ang phrase na "Ignorance of the law excuses no one." Nagbabasa ka di ba? Dapat ay nabasa mo sa first page ng mga libro ang mga linya na gaya ng sumusunod: 


'All rights reserved. No part of this book may be reproduced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without permission."


And speaking of law, try mong i-google ang Copyright at Intellectual Rights Law. Kung masyado kang smug para isipin na kaya mong makalusot sa batas, hindi mo kayang makalusot sa galit ng mga taong sinagasaan mo, pati na rin ng mga taong nagmamahal sa kanila at sa sa mga taong nagmamahal at may malasakit sa book industry. Saka sa karma. Naniniwala ako doon. Itaga mo sa bato, sisingilin ka sa ginagawa mo. Baka nga sinisingil ka na di mo alam gaya ng pathetic excuse na hindi mo alam na pagnanakaw/pamimirata ang giangawa mo. 


Pati ang website na ang goal lang naman ay magbigay ng pagkakataon sa mga budding writers na magpublish ng mga gawa nila online ay nadadamay dahil sa kagagawan mo. Pati ang ibang budding writers na kasama mo sa site ay nadadamay sa ginagawa mo. Naiisip ko tuloy, ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo o kung sinuman ang nagpalaki sa'yo? Apparently wala ka ring  natutunan sa subject na GMRC o Moral Values sa school. 


At bakit ako affected? Bakit gusto kitang sampalin, sapatusin, balatan ng buhay, ipagulong sa banig ng asin at ibala sa kanyon papunta sa kuta ng mga terorista? Writer ba ako? Hindi. Wanna-be lang din gaya mo. Pero hindi gaya mo, never ako nang-akin ng gawa na hindi akin. Bakit? Dahil iba ang self-satisfaction at pride kapag nasulat ko na ang The End sa dulo ng manuscript na pinaghirapan ko.  Hindi mo iyon maiintindihan at mararamdaman hanggang ginagawa mo ang ginagawa mo. 


At ang mga writer na biniktima mo ay mga kaibigan ko, mga taong importante sa akin dahil maliban sa pangarap kong maging writer, sila ang pinaghuhugutan ko ng lakas at inspirasyon na tuparin ang mga pangarap ko. O, sige, hindi ko sila kaibigan lahat. Hindi nga ako kilala ng iba eh. Pero galit pa rin ako sa'yo dahil sadyang nakaka-offend ka ng sensibilities. Akalain mong kinaya ng sikmura mo ang magnakaw at mag-angkin ng pinaghirapan ng iba? At talagang makapal ka pa dahil ipinagmamalaki mo pa. At ni hindi ka man lang nag-sorry sa mga writer na biniktima mo. Tingin mo enough na tinanggal mo sa site mo yung mga plinagiarized mo na kwento? Hindi no. Ni hindi mo nga magawa magsorry, maniniwala ba ako na may natutunanan ka sa pangyayaring ito? I'm sure, iniisip mo na nakakainis kami dahil panira kami ng ilusyon mo na writer ka. Gumising ka na bago maging bangungot ang ilusyon mo. HINDI KA WRITER!




5 komento:

  1. BRAVO!!!! kapag tinamaan mo 'yung mga poknat na 'yan, sasali ako para batuhin nang paulit-ulit!

    ~ EJ

    TumugonBurahin
  2. http://i46.tinypic.com/5x8pd1.jpg

    ASKSKAGJASGJAKALSFALSLDALDAS! Yan ang masasabi ko sa kakapalan niya. Whew!

    TumugonBurahin
  3. *Claps* Salamat sa pagsasabi ng mga eksaktong bagay na gusto kong sabihin. :-)

    TumugonBurahin
  4. wow.! very well said.. i love it.. :)

    TumugonBurahin
  5. Nagsusumigaw na "HINDI KA WRITER". Tama 'yan. Merong thin line na namamagitan sa "inspired by" at "copied from". Apparently, hindi niya nakita 'yun. Meh! (--.

    TumugonBurahin