Sabado, Enero 19, 2013

Just Another Birthday Greeting

This entry is dedicated to one of the most talented, generous, and beautiful person I have had the fortune to call my friend, kay Kimberley Ariane Arzaga Domingo.

Nag-umpisa ang friendship namin, together with Diane, Abie, Gleta and Bebang sa PHR forum way back 2008. Sa tuwing naiisip ko ang bagay na iyon ay di pa rin ako makapaniwala. Hindi naman kasi maitatanggi na maraming manggogoyo sa internet. Hindi natin malaman kung sino ang totoo at sino ang isjapek. Kaya masasabi ko na suwerte ako kasi sa dami ng mga tao na nasa World Wide Web, nakilala at naging kaibigan ko ang mga baliw na ito. Marami kaming nakilala at naging kaibigan. May mga nawala sa sirkulasyon. May mga nagdala lang stress at kaguluhan, but despite all of that, nandito pa rin kami. Friends pa rin. Nakatayo pa rin ang templo ng mga kalukringan namin. 

Hindi ko na mabilang kung ilang gabi kaming napupuyat sa kuwentuhan at kalokohan, kung ilang beses kaming naghahagalpakan ng tawa sa harap ng computer habang kausap namin ang isa't isa. Hindi pa nakontento, pati group messaging sa text pinatos na namin. Naalala ko noong may nakaaway kami, nasabihan pa kami na peke ang friendship namin. Natawa lang ako noon, pati ngayon. Lalo na ngayon. Kasi kung may maide-describe ako sa friendship namin, kabaliktaran iyon ng pagiging peke. 

These girls are the truest people I have met online. Kung ano sila sa tunay na buhay, ganoon sila sa net. With them, I can be myself at hindi ako matatakot na hindi nila matanggap kung ano ako. 

Anyway, mabalik tayo sa bida ng post na ito. Bakit nga ba bida si Kimberly Ariane dito? Ah, oo nga pala. Dahil birthday niya! Happy Birthday Kim! O ha, level up na ang greetings ko. Isang buong blog na, hindi na text. :D

Naalala ko noong unang birthday ko pagkatapos namin magkakilala. May natanggap akong package galing Palawan. Inside was a portrait of myself at isang maliit na barko. 'Yung portrait, gawa niya 'yun. Super touch ako noon lalo na sa note niyang nakasulat sa tissue ng Greenwich. Buhay pa ang note na 'yon at nakatago pa. We have never met personally then, yung bonding at getting to know moments namin ay sa harap lang ng PC pero nag-effort siya na bigyan ako ng birthday gift.

First time namin mag-meet nang personal ay noong nagpunta ako ng Palawan for a training chenes. Nung time na nagbaliw-baliwan ako doon, siya ang dumamay sa akin. Although, kahit naman hindi kami lagi magkasama, kahit sa text lang, sa skype, o sa  FB, dinadamayan pa rin naman niya ako, kami. 

Si Kim ang tipo ng taong hindi maghihintay na may mag-rescue sa kanya. Base sa mga usapan namin dati, kahit noong nag-aaral pa siya, sagot na niya ang sarili niya. Although hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa pagkuha niya ng architecture dahil pangarap niyang maging doktor. Hahaha! Kaya noong minsan na maglokohan kami, binigyan namin siya ng princes charming na palaka, daga at lizard. Bakit? Wala lang. Kalokohan nga eh. Pero nag-ugat iyon sa pagiging Miss Independent niya. 

Sa aming lahat, siya ang pinaka-simple. Forever goal na yata namin nina Diane at Abie na makita siyang naka-dress at heels. Hahaha! Siya rin ang pinaka-talented pagdating sa art. Gusto ko ngang batukan minsan. Hindi pa daw siya marunong sa lagay na yan. 



Anyway, gusto ko lang sabihin, salamat dahil nakilala kita at naging kaibigan. Salamat dahil hindi ka pa napapagod maging kaibigan ko. Hindi lahat ng tao ay kasing-suwerte namin na may isang Kimberley Ariane sa mga buhay namin. 

Tinawag ka man naming sorceress at wicked witch sa templo, alam naming sa tunay na buhay, ikaw ang White Witch ng Oz na laging nakahandang tumulong sa mga Dorothy na naliligaw mula sa Kansas. Bwahahaha! 

Happy Birthday uli, Kimtot! See you next year! 

P.S. 
Hindi ako affectionate na tao pero you know I love you. Mwah!

photo credits: from Kim's FB 

2 komento:

  1. ako na ang unang mag ccomment.. hehe, super ka touching ang mensahe.. parang memory lane.., and lahat tlga totoo.. we're so blessed na nakilala natin isa't-isa.. cguro nga isa tayo sa mga few na naging mgkakaibigan tru 'internet'.. na ndi peke at ndi manloloko.. hahay.!! so many na nanyare.., i can't count na ilan times na tyong nagkaka moment tlga.. tawanan and iyakan and asaran.. basta, em so proud din to have all of you guys.!! \^.^/

    TumugonBurahin
  2. frog, monkey at butiki yon..heheh..

    TumugonBurahin